Tinulungang boluntaryong pagkamatay

Tinulungang boluntaryong pagkamatay sa NSW

Ang impormasyon na ito ay tumatalakay tungkol sa kamatayan at pagkamatay. Ito ay para sa mga taong may magkakaibang kultura at wika na naghahanap ng impormasyon tungkol sa tinulungang boluntaryong pagkamatay. Ang impormasyon tungkol sa iyong wika ay matatagpuan sa website ng NSW Health at may mga tagapagsalin ng wika na makakatulong sa iyo.

Ang tinulungang boluntaryong pagkamatay ay maaaring isang sensitibong paksa para sa ilang mga tao at sa kanilang mga pamilya. Maaaring nais mong makipag-usap sa iyong mga mahal sa buhay at komunidad upang makapagpasya kung ang boluntaryong tinulungang pagkamatay ay magkapantay sa iyong mga prinsipyo at paniniwala at ito ang tamang kagustuhan mo.

Last updated: 24 November 2023
Download

​​Ano ang tinulungang boluntaryong pagkamatay?

Ang tinulungang boluntaryong pagkamatay ay nangangahulugan na ang ilang tao ay maaaring humingi sa isang doktor ng medikal na tulong upang mamatay.

Ito ay hindi para sa lahat – kailangan mong matugunan ang pamantayan sa pagiging karapat-dapat at hindi lahat na ng taong karapat-dapat ay pipiliin ito. Ito ay iyong kagustuhan. Kukunin mo o bibigyan ka ng isang gamot na nagdudulot ng iyong kamatayan sa isang panahon at lugar na pinili mo.

Tanging isang doktor na aprubado at nakapagtapos ng espesyal na pagsasanay ang makakapagbigay sa iyo ng gamot.

Sino ang maaaring makakuha ng tinulungang boluntaryong pagkamatay?

Kung gusto mong piliin ang tinulungang boluntaryong pagkamatay, kailangang mo na:

  • May edad na 18 taon o mas matanda. Ang mga batang 17 taong gulang at mas bata ay hindi kwalipikado 
  • Isang mamamayan ng Australya o isang permanenteng residente ng Australya o nakatira sa Australya ng hindi bababa sa tatlong magkakasunod na taon
  • Dapat na nanirahan sa NSW ng hindi bababa sa 12 buwan
  • May sakit na magdudulot ng iyong kamatayan ng mas mababa sa 6 na buwan o sa 12 buwan kung mayroon kang sakit na neurodegenerative (ang mga selyula sa iyong central nervous system ay humintong magtrabaho o namamatay)
  • May sakit na nagdudulot sa iyo ng sobrang kirot. Ang kirot na ito ay maaaring pisikal, sikolohikal, sosyal o emosyonal. Makikipag-usap sa iyo ang iyong doktor upang maunawaan ang iyong antas ng kirot at ipaliwanag ang mga opsyon na magagamit upang matulungan kang pangasiwaan ang kirot na ito
  • Kaya mong isagawa at ipahayag ang iyong sariling mga pagpapasya sa kabuuan ng buong proseso 
  • Gustong mabigyan ng tinulungang boluntaryong pagkamatay. Ang ibig sabihin ng ‘boluntaryo’ ay dapat na ito ang iyong pinili.

Ang pagkakaroon ng isang sakit sa pag-iisip o kapansanan lamang ay hindi isang karapat-dapat na dahilan. Gayunpaman, kung natutugunan mo ang lahat ng mga pamantayan sa pagiging karapat-dapat na nasa itaas, at mayroon kang kapansanan o sakit sa pag-iisip, (higit sa lahat ay kaya mong magpasya at ipahayag ang iyong mga sariling desisyon), maaari mong magamit ang tinulungang boluntaryong pagkamatay.

Paano mo magamit ang tinulungang boluntaryong pagkamatay?

Sa NSW, mayroong mga legal na hakbang na kailangan mong sundin. Para sa karamihang mga hakbang, maaari mong isagawa ang proseso ayon sa sarili mong kabilisan.

Mag-umpisa sa pamamagitan ng pagtatanong sa iyong doktor tungkol sa tinulungang boluntaryong pagkamatay. Para sa karamihang tao, ito ay ang doktor na gumagamot sa iyo na kasama sa pangkat ng tagagamot na nag-aasikaso sa pangangalaga ng kalusugan para sa iyong sakit.

Ilan lamang na mga doktor sa NSW ay ang maaaring magbigay ng tinulungang boluntaryong pagkamay. Maaari kang makipag-ugnay sa NSW Voluntary Assisted Dying Care Navigator Service (Serbisyo ng Pamamatnubay sa Tinulungang Boluntaryong Pagkamatay ng NSW) (ang mga detalye ay nasa ibaba) kung sasabihin ng iyong doktor na hindi nila gingagawa ang tinulungang boluntaryong pagkamatay. Maaari kang matulungan ng Care Navigator Service na humanap ng isang doktor at sagutin ang iyong mga tanong.

Maaari mong tawagan ang Serbisyo ng Pagsasaling-wika at Pag-iinterprete (TIS National) sa 131 450 at hilingin ang NSW Voluntary Assisted Dying Care Navigator Service sa 1300 802 133 kung kinakailangan mo ng tulong sa wika.

Ang mga tungkulin ng iyong pamilya, mga kaibigan at tagapag-alaga

Ang ilang mga tao ay maaaring piliing magsagawa ng mga pagpapasya tungkol kamatayan at pagkamatay nang magkasama bilang isang pamilya.

Maaaring gusto mong gawin ang mga pag-uusap na ito kasama ang iyong mga mahal sa buhay kung sa palagay mo ay gusto mong piliin ang tinulungang boluntaryong pagkamatay.

Mahalaga ito kung karaniwang tinutulungan ka ng isang tao na gumawa ng mga desisyon tungkol sa iyong kalusugan o mga pakikipag-usap sa isang doktor sa ngalan mo.

Maaari mong kasama ang iyong mga mahal sa buhay kapag nakikipag-usap ka sa iyong doktor tungkol sa tinulungang boluntaryong pagkamatay, ngunit mayroong ilang mga mahahalagang tuntunin sa batas:

  • Ikaw lamang ang maaaring humingi ng tulong medikal upang mamatay
  • Walang ibang tao ang maaaring humingi ng tinulungang boluntaryong pagkamatay para sa iyo
  • Walang sinuman ang maaaring mag-utos sa iyo para humingi ng tinulungang boluntaryong pagkamatay.

Ayon sa batas, ay dapat na sundin ang mga pamamaraan at pananggalang. Tinitiyak nito na ikaw ay hindi pinipilit ng ibang tao na piliin ang tinulungang boluntaryong pagkamatay. Tinitiyak din nito na ito ang iyong kagustuhan.

Maaaring mahihirapan na maunawaan ng ilang tao sa iyong pamilya ang iyong kagustuhan na humingi ng medikal na tulong upang mamatay. Maaaring hindi sila sang-ayon sa iyo. Gayunpaman, hindi ka nila mapipigilan sa paggamit ng tinulungang boluntaryong pagkamatay kung gusto mo at natutugunan mo ang lahat ng mga kinakailangan sa pagiging karapat-dapat.

Maaaring may iba’t-ibang pananaw ang mga tao. Mahalaga na makipag-usap ka sa isang taong pinagkakatiwalaan mo.

Mga ibang bagay na dapat malaman

  • Maaari mong itigil o sandaling ihinto ang proseso ng tinulungang boluntaryong pagkamatay sa anumang oras. Hindi ka kailangang magbigay ng dahilan
  • Kahit niresetahan ka na o nakatanggap na ng medikasyon, hindi mo kailangang inumin ito
  • Maaaring magtatagal ng ilang araw, linggo o buwan bago mo gawin ang iyong huling pagpapasya na inumin o mabigyan ng medikasyon at ito ay ayos lang
  • Maaari mong inumin ang medikasyon sa bahay kasama ang iyong mga mahal sa buhay. Ang iyong mga mahal sa buhay ay maaari ring kasama mo kung gusto mong inumin ang medikasyon sa ibang lugar tulad ng isang ospital o pasilidad sa pangangalaga ng may edad. Hindi mo maaaring inumin ang medikasyon sa labas ng NSW
  • Ang iyong doktor sa tinulungang boluntaryong pagkamatay at/o parmasyutiko ay magbibigay sa iyo ng karagdagang impormasyon tungkol sa medikasyon, pati na ang tungkol sa paano ito iniimbak. May mga patakaran upang gawin itong ligtas 
  • May obligasyon ang mga doktor na protektahan ang iyong pagkapribado at karapatan sa pagiging kompidensiyal. Kabilang dito ang anumang mga talakayang nagawa mo sa iyong doktor tungkol sa tinulungang boluntaryong pagkamatay. Hindi maaaring makipag-usap ang iyong doktor sa iyong pamilya, mga kaibigan o tagapag-alaga tungkol sa iyong desisyon maliban kung sasabihin mo na maaari silang makausap.
  • Ang Panukalang Tulong sa Paglalakbay at Akomodasyon para sa mga Pasyente Galing sa Liblib na Lugar ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga gastos ng paglalakbay at akomodasyon at makukuha kung nakatira ka sa rehiyonal o liblib na NSW
  • Ang tinulungang boluntaryong pagkamatay at pagpapatiwakal ay magkaiba. Ang paghingi ng medikal na tulong upang mamatay ay hindi pagpapatiwakal sa ilalim ng batas sa NSW
  • Hindi maililista sa iyong sertipiko ng kamatayan ang sanhi ng iyong pagkamatay na tinulungang boluntaryong pagkamatay.

Pangangalaga sa katapusan ng buhay

Ikaw at ang iyong doktor ay magtutulungan upang talakayin ang iyong mga pangangailangan, inaasahan at mga kagustuhan para sa iyong pangangalaga para sa kinabukasan. Kabilang dito ang kaalaman sa mga pagpipilian mo sa katapusan ng iyong buhay.

Ang sistema ng pangangalaga ng kalusugan sa NSW ay mag-aalaga sa iyo anuman ang pinili mo.

Kung pinili mo ang tinulungang boluntaryong pagkamatay, maaari mo pa ring makuha ang ibang pangangalaga na maaaring gusto mo, pati ang pangangalagang palyatibo.

Dagdagan ang kaalaman tungkol sa pangangalagang palyatibo Pangangalagang Palyatibo.

Ang NSW Voluntary Assisted Dying Care Navigator Service (Serbisyo ng Pamamatnubay sa Tinulungang Boluntaryong Pagkamatay ng NSW)

Ang Serbisyo sa Pamamatnubay ng Pangangalaga ay malalapitan upang suportahan ang lahat, kabilang ang mga pasyente at pamilya.

Maaari nitong sagutin ang mga tanong tungkol sa tinulungang boluntaryong pagkamatay at tutulungan kang humanap ng isang doktor kung kinakailangan. Ito ay makukuhang gamitin sa lahat ng mga hakbang ng proseso.

Upang makipag-usap sa kawani ng suporta ng Serbisyo ng Pamamatnubay:

Tumawag sa: 1300 802 133 Lunes hanggang Biyernes, 8:30 ng umaga hanggang 4:30 ng hapon (hindi kasama ang mga pampublikong pista opisyal)

Mag-email: NSLHD-VADCareNavigator@health.nsw.gov.au

Kailangan ko ng isang interpreter upang magamit ko ang tinulungang boluntaryong pagkamatay. Ano ang gagawin ko?

Maari kang gumamit ng isang interpreter upang umpisahan ang proseso na ma-access ang tinulungang boluntaryong pagkamatay kung mas gusto mo na makipag-usap sa isang wikang maliban sa Ingles.

Ipagbigay-alam sa iyong doktor kung kailangan mo ng isang interpreter. Maaaring magsa-ayos ang iyong doktor para sa isa. Ito ay libre.

Ang ilang mga tao na may espesyal na pagsasanay lamang ang maaaring maging interpreter mo para sa tinulungang boluntaryong pagkamatay.

Ang isang miyembro ng pamilya, kaibigan, tagapag-alaga o kontak na walang espesyal na pagsasanay ay hindi maaaring maging interpreter mo. Ito ay dahil sa batas sa NSW.

Tulong sa kalusugang pangkaisipan

Ang pakikipag-usap tungkol sa kamatayan at tinulungang boluntaryong pagkamatay ay maaaring mahirap at malungkot. Tawagan ang mga libreng serbisyong ito kung kailangan mo ng suporta:

  • Transcultural Mental Health Line (Linya sa Transcultural na Kalusugang Pangkaisipan) sa 1800 648 911 – nakabukas mula Lunes hanggang Biyernes sa pagitan ng 9 ng umaga at 4.30 ng hapon. Makipag-usap sa mga doktor na nauunawaan ang iyong kultura at maaaring makipag-usap sa iyong wika
  • Lifeline (Lifeline) sa 13 11 14 – nakabukas 24 oras para sa tulong sa telepono sa krisis
  • Beyond Blue sa 1300 22 4636 – nakabukas 24 oras para sa tulong sa telepono sa krisis
  • Mental Health Line (Linya sa Kalusugang Pangkaisipan) sa 1800 011 511 – nakabukas 24 oras upang ikonekta ka sa mga serbisyo ng kalusugang pangkaisipan ng NSW Health.

Karagdagang impormasyon

Current as at: Friday 24 November 2023