Init at Kalusugan: Papel ng kaalaman ng mga sanggol at bata
Ang matinding init o mga heatwave ay mga kapanahunan ng hindi karaniwang mainit na panahon. Ang climate change ay nagreresulta sa mas maraming mga maiinit na araw at mas matinding mga heatwave sa Australya.
Ang matinding init ay maaaring maging sanhi ng malalang pagkakasakit, pagkaka-ospital at maging kamatayan. Bago, sa mismong araw at pagkatapos ng isang mainit na panahon , mahalaga na ikaw at ang iyong pamilya ay magpalamig at manatiling may sapat na tubid sa katawan (hydrated).
Maaaring mas madaling magkakasakit ang mga sanggol at maliliit na bata kumpara sa ibang tao. Ito ay dahil maaari silang mabilis na maging mainit (overheat) at maging uhaw na uhaw at hindi makakapagdesisyon kung paano mapigilan ang kanilang pag-ooverheat.
Ang katawan ng iyong maliit na anak ay karaniwang pinapalamig ang sarili sa pamamagitan ng pagpapawis at pagdadaloy ng mas maraming dugo sa balat.
Dahil sa sobrang init, o kung ang iyong anak ay pisikal na aktibo sa mainit na panahon, maaaring mag-umpisang hihina ang kanilang likas na pagpapalamig sa katawan. Maaaring tumaas ang temperatura ng kanilang katawan sa mga mapanganib na antas, na hahantong sa matinding sakit na nauugnay sa init, kabilang ang heat stroke at heat exhaustion.
Ang mga sakit na nauugnay sa init ay mas posibleng mangyari kung ang iyong anak ay kulang sa tubig at hindi nakakagawa ng sapat na pawis upang matulungan silang magpalamig.
Hindi palaging madaling malaman kung ang iyong sanggol o maliit na bata ay apektado ng mainit na panahon. Kapag mainit, mahalagang tingnan kung may mga sumusunod na palatandaan ng dehydration (pagkukulang ng tubig sa katawan) o mga sakit na nauugnay sa init.
Malalang pagkukulang ng tubig sa katawan o matinding sakit na nauugnay sa init
Banayad na pagkukulang ng tubig sa katawan o banayad na sakit na nauugnay sa init
Kung ang iyong sanggol o maliit na anak ay may mga sintomas ng matinding pagkukulang ng tubig sa katawan o sakit na nauugnay sa init, tumawag sa triple zero (000) at humingi ng ambulansya.
Kung ang iyong sanggol o maliit na anak ay may mga sintomas ng banayad na pagkukulang ng tubig sa katawan at nag-aalala ka, bisitahin ang iyong doktor o magtelepono sa healthdirect sa 1800 022 222 para sa impormasyon sa kalusugan at payo 24 oras sa isang araw, 7 araw sa isang linggo.
Kung ang iyong sanggol o maliit na anak ay may mga sintomas ng matinding dehydration o malubhang sakit na nauugnay sa init, tumawag sa triple zero (000) at humingi ng ambulansya.