Papel-kaalaman tungkol sa init at kalusugan.
Ang sobrang init o heatwave ay mga panahon ng pambihirang mainit. Ang pagbabago ng panahon ay nagreresulta sa mas maraming araw na mainit at mas matinding heatwave sa Australya.
Ang sobrang init ay maaaring maging sanhi ng malalang sakit, pagka-ospital at maging pagkamatay. Bago, habang at pagkatapos ng mainit na panahon, mahalaga na manatiling presko at may sapat na tubig sa katawan.
Kadalasan, ang iyong katawan ay nananatiling malamig sa pamamagitan ng pamamawis at pagdaloy ng mas maraming dugo patungo sa balat.
Kapag lubhang mainit, o kung aktibo ang iyong katawan sa mainit na panahon, maaaring magsimulang masira ang likas na sistema ng pagpapalamig ng iyong katawan. Maaaring tumaas ang temperatura ng iyong katawan sa mga antas na mapanganib, na pagsisimulan ng malalang pagkakasakit sanhi ng sobrang init, kasama na ang heat stroke at pagkahapo dahil sa init. Kabilang sa iba pang banayad na sakit dulot ng init ay ang pulikat at pamamantal dahil sa init. Ang hirap ng katawan na manatiling malamig ay maaari ring magpalala sa mga sintomas ng ilang umiiral nang mga sakit. Halimbawa, ang taong may sakit sa puso ay maaaring mahilo o maatake pa sa puso.
Ang sakit na kaugnay ng init ay maaaring makaapekto sa sinuman at mas malamang mangyari kung ikaw ay kinukulangan ng tubig at hindi pinapawisan nang sapat upang makatulong sa pagpapalamig mo. Alamin ang mga palatandaan ng mga sakit na kaugnay ng init, paano magbigay ng pangunang lunas (first aid), at kung paano humingi ng tulong.
Lahat ng tao ay maaaring maapektuhan sa mainit na panahon, ngunit may mga tao na mas mahihirapan.
*Para sa natatanging payo tungkol sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga sanggol at bata sa panahong mainit, i- download ang Init at Kalusugan: Papel ng kaalaman ng mga sanggol at bata.
Ang pagkahapo dahil sa init (heat exhaustion) ay kailangang magamot dahil maaari itong maging kagyat na mapanganib.
Kung hindi bumuti ang mga sintomas, kumuha ng pangangalagang medikal. Tawagan ang iyong doktor o ang healthdirect sa 1800 022 222.
Kung ang mga sintomas ay lumalala at nag-aalala ka na mawalan ng malay dahil sa init (heat stroke), tumawag kaagad sa tatlong sero (000).
Ang heat stroke ay napakamapanganib. Tumawag kaagad sa tatlong sero (000).
Humingi ng payo mula sa doktor bago ka uminom ng aspirin, ibuprofen o paracetamol para gamutin ang mga sintomas ng heat stroke dahil maaaring mapanganib ang mga ito.
Mga masakit na pulikat ng kalamnan at panginginig na sanhi ng pagkawala ng asin sa iyong katawan dahil sa sobrang pamamawis.
Ang pamamantal dahil sa init ay kadalasang nawawala kahit walang paggamot at maaaring maibsan sa pamamagitan ng pagpapanatiling presko at tuyo ng balat.
Bumisita sa website na healthdirect para sa karagdagang impormasyon kung paano gagamutin ang pamamantal dahil sa init, at kung kailan dapat humingi ng payong medikal.
Ang mainit na panahon ay maaaring magpapalala sa ilang mga sakit kasama na ang mga sakit sa puso, sa baga, diyabetes, sa bato, sa nerbiyo, at sa pag-iisip.
Mahalaga na kausapin ang iyong doktor kung paano maaapektuhan ng mainit na panahon ang iyong kalusugan o mga paggamot. Kung sinabihan ka ng iyong doktor na limitahan ang iyong pag-inom ng tubig, tanungin kung gaano karaming tubig ang dapat mong inumin sa panahong mainit.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Heat risk: existing medical conditions.
Bago, habang at pagkatapos ng panahong mainit, mahalaga na mananatili kang presko at may sapat na tubig sa katawan sa pamamagitan ng pag-inom ng tubig.
Para sa karagdagang impormasyon, payo at mga tip bisitahin ang Labanan ang init.